Sunday, September 25, 2005

OOPSS I DID IT AGAIN!

Kagabi habang nakatambay sa bahay ng tropa, may nadiskubre ako ng pagkakamali ko sa blogsite na ito. Medyo nakakatawa ng nakakahiya na madyo nakakatakot. Bakit? E kasi nadiskubre ko na hindi lang ang mga malapit kong kaibigan ang nagbabasa nito, pati mga ibang lahi sa hospital ay nagbabasa rin! Minsan pa naman ay may mga patama ako sa namumuno sa amin sa wikang Ingles! (nyehh!) Di lang yun! Nakadisplay pa ang mga mukha namin. (nyehhhhh!!!!) Kung ano man yung mga sinabi ko, yun ay pawing totoo at hindi ko na mababawi. Ang problema lang ay kung may gagamit nun para isuplong ako sa mga kafuckyarihan.

So kung nababasa nila ang mga entry ko, malamang babasahin din nila ang mga blog na nakalink sa blog ko! Hayup! Kaya heto ako nagsusulat sa salitang Tagalog para hindi maintindihan ng mga kups.

Yuki! Nagduty ka ba kagabi? Natulog na kami pagkauwi. Pagod na rin kami. Sama kayo mamaya kung puede, magagala kami.

No comments: