Sunday, October 21, 2007

SURVIVAL OF THE FITNESS


TV has a huge influence in me. Halos ata lahat ng palabas na pinapanood ko ay nagging inspirasyon ko sa sa pangaraw-araw na buhay. Kagabi ay napanood ko ang lumang season ng “So You Think You Can Dance” at nakita ko dun ang magagandang katawan ng mga contestants...maliban lang dun sa mataba. At sabi ko sa sarili ko, “Pakingsyet! They look great.” Wansapanatyms, I can still remember maganda rin ang katawan ko. Hindi tulad ng na sa TV pero I was buff back then because of my healthy lifestyle...”sports minded by day, alcoholic by night.”

Si Lany naman reminiscing sa figure nya nung dalaga pa sya. Binuklat nya ang lumang photo album namin while she admired her god-like-physique. Feeling ko tumanda kami agad ng mabilis sa mga nakaraang taon. Kung puede lang i-cash ang stress at pagod siguro millionaryo na kami. We’ve been wanting to get fit pero Ramadan season at lagi akong pang-gabi sa trabaho (may sideline akong macho dancer sa gabi).
Ngayon I will make sure to bring back those lost years by dieting and exercise. Susubukan kong i-document ang mga pangyayaring ito mala-reality tv style. Kayanin kaya ng powers namin ito? Actually, inumpisahan na namin kanina ang diet kasi dumaan kami ng Al Jazeera Bakery para kumain ng Chicken Puff at hotdog Puff...and we feel puffy like the marshmallow man. (Ang tawag dito ay Carbo-loading. Preparation sa mahabang diet.)

3 comments:

Anonymous said...

Goodluck my friend! Ewan ko ba kapag umabot ka sa edad na 30 eh parang naka-slo mo na ang metabolism mo. Pero possible naman, haaaard work nga lang. Meron dito sa Florida mga lola na (at age 50 or 60) pero ang katawan eh pang 30 years old.

NSA said...

sabi ko na nga ba gusto kong tumira sa florida! viva miami!

ardee sean said...

cute...astig..