Saturday, October 13, 2007

EID MUBARAK


Kahapon nangyari nanaman yung nangyayari sa akin every year pagkatapos ng "Ramadan." Ang Ramadan sa kulturang muslim ay yung isang buwan na di sila kumakain simula pagsikat ng umaga hanggang paglubog ng araw. Yun lang ang alam ko at di ko kayang ipaliwanag pero parang mahal na araw sya kung sa Pinas. Ang katapusan ng holy month ay ang tinatawag na "Eid." Ito parang katumbas ng pasko sa kanila. At kapag may pasko may nanghihingi ng aguinaldo.


Lets review the history, simula ng umalis ako sa Pinas 6 years ago ay tinalikuran ko na ang pamimigay ng aguinaldo. Napalitan na rin ang tawag sa akin ng mga inaanak ko na "Ninong Belekoy" ng "OFW". Di ba masaya? Napagtaguan ko na sila sa pagalis ko tapos tinawag pa akong bayani.


Habang papaalis kami ng anak ko papuntang grocery inabangan kami ng mga bata sa traffic light para mamasko. Pero parang hindi sila namamasko kasi sinabi agad nila ang presyo. Feeling ko may gagawin silang kalokohan sa kotse ko kung di ako magbibigay (parang sa Maynila kapag may rugby boys na tumabi sa kotse mo). Binati ko sila ng "Eid Mubarak" sabay sabi na eksakto lang ang pera ko pangbili ng grocery sabay harurot. It felt good. Naramdaman ko ang Christmas Spirit sa puso ko. huhuhuhu...


Pero hindi lang pala ako ang nababadtrip sa mga ganito. Pati pala ang idol ko na si Les Horton ng Gulf Daily News ay naranasan ito. Please read his commentary. Promise maganda to.


2 comments:

Anonymous said...

Ei derek,
at last nag-update ka rin hehe. That was a good article. maraming ganoon dito sa atin. Minsan nga pag himdi ka nagbigay kaskasin pa ng pako ang kotse mo.

NSA said...

pansin ba na tamad ako? hehehe! bz kasi e.

Buti nga yun lang. yung iba kasi ninanakaw pa yung side mirror e.