Tuesday, October 23, 2007

PARASITOLOGY 101


Noong third year Medical Technology student ako may napaka-interesanteng subject kami na para sa akin ay napaka-exciting. Kasi kapag pumasok ka sa subject na ‘to para ka na ring pumasok sa isang section ng ”Ripley’s Belive it or Not Museum”. Marami kasing specimen na makikita sa garapon (usually mga ibat-ibang klaseng bulate na parasite) na may kasamang story kung papaano nakuha ito.

Naalala ko tuloy yung second day namin. Ang assignment namin ay magdala ng tae, preferably yung galing sa amin mismo. So the next day parepareho kaming may dalang tae. Binigyan kmi ng instructions na lagyan ng number ang bawat garapon na dala namin pagkatapos ay ilalagay sa pila ang mga tae at oobserbahan namin isa isa ang itsura nya based on amount, color, consistency, taste...yuck! pwe! Hahahaha! Joke lang.

Hiyang-hiya yung mga dalaga sa group 1 kasi halata na sa kanila yung mga jebs, ang gaganda pa naman nila tapos malambot ang jebs nila. Mahilig kasi sila kumain ng mani, pampatalino daw. Yung isa mayron pang-mais! Dyahe! Yung tae ng bading sa kabilang group pinagtatawanan namin kasi parang may sipon. Aminin!!! ; ) Hindi yata matatapos ang tawanan kasi magaling magpatawa si prof...puede mo syang i-line up sa judges ng American Idol at siguradong pati si Simon Cowell ay lalaitin nya.

Pagdating ng prof sa table namin kinabahan ako kasi ang jebs ko ay may kakaibang hugis , kulay at texture. Pagkakita pa lang ng prof ko sa jebs ko sinabi agad nyang “Wow! Parang sunog na fishball!” And for 10 seconds para akong nilamon ng lupa. Bubuksan ko sana ang garapon at ihahagis ko sa mukha ng mga tumatawa at sisigaw ng “SHIT-FIGHT”!!! (parang food-fight). Kaya lang may class pa ako ng third period. Sayang!

Pero hindi doon matatapos at saya. Kinuha namin ang sari-sarili naming jebak at sabay-sabay naming itong binuksan parang Christmas gifts, sabay sigaw ng prof namin na “Inhale! Exhale!” Ito daw ang training namin para masanay sa amoy ng tae. Thats why up to now tumagal ako sa middle east kasi kaya kong tiisin ang amoy tae kong co-workers.

Mortal lesson: "Walang taeng mabango, regardless kung gaano ka kaganda. Hindi totoong pare-pareho lang ang amoy ng tae. At kung uulitin naming muli ang experience na ito for sure wala ng kakain ng mais, kang-kong or mani or makikipag-sex the day before the exercise."

Have a nice meal!

4 comments:

Anonymous said...

Malupit pala ang training mo...kaya di ako nag-nurse kahit yun ang gusto ng tatay ko...

NSA said...

oo parang karate kid kami nun. no pain no gain daw e. ok lang magaling ka naman na architect. dream job ko yan.

Lani said...

shit talaga, ayaw ko niyan, ang baho, hehehe

NSA said...

walang shit na mabango kahit uminom ka ng isang tabong drakkar noir! hehehehe