Dear Janers,
Kamusta ka na??? Miss ka na namin dito. This is the first weekend na wala ka, and it all came to me last night na we look forward to the weekends and day off's kasi alam namin na magkakasama uli tayo. Yun nga lang nag-evacuate ka na dito sa ating maliit na playground. Pero di naman kami totally nag-goodbye sa iyo, kasi alam namin na magkikita pa tayo…di ba???
I'm glad that you liked the video that we made for you. Matagal ko na talaga binabalak gawin yun para sa iyo kasi special ka….special child ka naming! Hehehe! Siguro napapansin mo na most of the time that we are out lagi akong may dalang digicam. It is the longest video I have ever made. Nag-enjoy naman ako sa paggawa kasi nababalikan ko yung mga pics and the memories that went with it. Mas may meaning kapag nilagyan mo ng music di ba? Si Papi Ed nga pala ang pumili ng song ng Nikelback (tama ba spelling?). Yun daw ang theme song/favorite song mo.
Dun nga pala sa mga taong di ko nacover sa video, pasensya na po! Kasi limited ang time ko at di mag-fit ang sched ko sa mga ginagawa ko. Tambak nga ang paper works ko sa trabaho e. Daig ko pa ang nagtake ng accounting sa paggawa ng costing, charts at graphs. Hope you guys understand.
Dapat nga bumili ka ng car jan…at h'wag scooter! Kasi naiimagine na kita na para kang character dun sa movie na "Dumb and Dumber", sa scene na umakyat sila sa Aspen Colorado ridding a scooter. Magyeyelo ang sipon mo, at for sure pagtatawanan ka nila pagdating mo sa trabaho kasi may yelo ka sa ilong! At kapag na-ihi ka sa upuan mahihirapan kang tumayo kasi didikit ka na sa upuan. Hehehe!
Ok mahaba na ito…sulat na lang ako sa iyo next time. Regards kay Nonoy at Dennis! Miss na rin namin ang company ninyo. Sulat kayo uli ok?
ps: dito nga pala sa spoof ko ng My Sassy Girl, nahirapan akong paputiin kayo...pero mas succesful naman ang pagputi ni Papi kaysa sa iyo. hehehe!
Nagmamahal,
Dennis a.k.a Vin Diesel (mumtaz)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment