Sunday, November 27, 2005
EVAT
Balitang TFC muna....
Ipinatupad na daw sa ang EVAT sa mga airport ng Pinas. Sa mga expat na di nakakaalam at di pa uuwi ng Pinas this year siguro ay ok lang sa kanila. Pero magugulat ka kung sasabihin ko na lahat ng bibilhin mo sa abroad lalo na ang mga electronics, kapag dinala mo sa Pinas ay lalagyan nila ng 10% EVAT!
Para sa isang ordinaryong mangagawa na katulad ko, mabigat yun. Mamimigay ka na nga ng pasalubong sa mga kamaganak at kaibigan mo tapos ita-tax ka pa ng gobyerno? Ano ba ang kinalaman nila kung ibibili ko ang tatay ko ng imported na alak? Gagalisin na nga yung tao sa pag-inom na Ginebra pati ba naman yung alak na minsan lang niya matitikman lalagyan pa ng tax!
E kung ibili ko ng imported na pabango ang nanay at mga kapatid ko para makalanghap naman sila ng pabango na hindi imitation, at matanggal ang amoy tuyo na kinain nila ng tanghalian bakit nila lalagyan ng tax?
Tax ka na nga sa mga mangongotong sa iyo paglabas mo ng NAIA, may tax pa rin sa loob! Besides nagbabayad din naman ang mga expat ng mandatory tax sa POEA kada uwi namin sa Pinas para lang makabalik at magtrabaho ng malayo sa mga mahal namin sa buhay di ba? Masakit lang sa loob na ang mga bagay na iuuwi mo na nasa loob ng balikbayan box mo ay kakalkalin para malagyan ng EVAT. Bakit di muna nila sugpuin ang graft and corruption bago nila pagtripan ang mga pinaghirapan ng mga bayani ng makabagong panahon? Kawawa namana ng mga domestic helpers at ang mga taong mababa ang kinikita sa abroad. Minsan na nga lang makakauwi bibigyan pa nila ng sakit ng ulo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment