Wednesday, October 05, 2005

DEAR ED

Dear Ed,

Wazzup????

First of all, nice car pare! Feeling ko ako si Vin Diesel ng sumakay ako dun. Lalagyan mo ban g hydraulics yun para tumalon-talon?

Oo nga pala pare, naisip kita mga ilang linggo na. Kapag ikinasal ka na ano nga pala ang ipapalit mo sa pangalan mo? Dapat cool muslim name para outstanding ka! May mga name suggestions ako para sa iyo. Sana ay magustuhan mo para may mapili ka.

1. Mohammad Ali – Ito pare for sure matatakot sila sa iyo. Pangalan pa lang astig na kasi malufet na boxingero ito. Maganda ito para kapag darating ka na puede akong sumigaw ng “The Champ is here!” kaya lang kung sa Pinas ko isisigaw iyon ay baka ang akalain nila ikaw yung mascot ng Jollibee na si Mr. Champ.

2. Karim Abdul Jabbar – Isa pa ito sa favorite ko. Di ko nga alam na muslim name ito nung bata ako e. Yun nga lang, baka macriticize ka sa height mo…

3. Haji – Ito ang bagay para sa iyo. Pangalan pa lang kilabot na. Kapag tinawag kitang Hajji ang iisipin nila isa kang “kilabot ng mga kolehiyala”! Ang guapo ng dating pre!

4. Abdul – Ito daw ang short-cut ng Abdulla sa Arabic. Kaya lang medyo bastos kapag sinabi ng mga kano na cool ka. “Abdul-the-cool”! Hehehe!

5. Al Fakher – ito naman pangalan pa lang playboy na playboy ang dating mo! Kapag tinawag ka mag-reply ka agad ng “Al Fak yhuu too!” hehehe!

6. Al Manure – Kung pipili ka paki-huli na lamang ito kasi parang amoy kasilyas ang dating. Wala lang, nabasa ko kasi ito sa may restaurant malapit sa Central Market.

Yan na lang muna, kasi nakalimutan ko ang iba. Ihahabol ko na lang kapag naalala ko. Pero kahit ano pa ang ipalit mo sa pangalan mo, you will still be Ed to me.


From your future chicken shit cleaner,

Kumander Robot


No comments: