Sunday, October 28, 2007

THE BESTEST COMMENT EVER!

Dear Ellababe,

I cannot find the words to thank you enough. Bihira ang may magsulat ng maganda sa akin, puro death threats. Akshuli, ikaw pa lang ang naalala ko na sumulat ng ganitong feedback sa akin. Iniisip ko nga kung bakit e. Sasagutin ko ang sinulat mo sa akin punto-por-punto. Ito ang FAQ’s ng THE HONEYSPOT at ng taong nagsusulat dito. (Naks! I like that word...FAQ’s!)

·TY Ella at ginawa mo kong flavor of the month for November. Pang-holloween special ang dating! Cool!

·Ang TO GLORIA “EAT SHIT DUMBASS” or “TGESD”ay personal kong damdamin sa administration nya. Imagine 2 days akong nandun sa EDSA na nagpakahirap sumigaw ng “Kupal si Erap!”, tapos ganun lang gagawin ni Tita Glow??? What the!?

·Minsan orgasmicaly-bastos talaga ako gumawa ng title, at may nagsabi na rin na bastos talaga ako sa personal. Pero it doesn’t mean na nag-orgasm ang teacher ko nung high school nung nabastusan sya sa essay ko...or was I wrong? Kasi nakangiti naman s’ya pagkatapos magbasa. Hmm. Damn I’m good!

·Ang THE HONEYSPOT ay nabuo dahil sa wife ko. S’ya ang salarin kung bakit nagsusulat ako dito ngayon. Intended ang site na ‘to para sa wedding preparations namin. May mga nagbabasa naman noon kahit papaano kaya itinuloy ko ng isulat. Si Lany ang honey ng THE HONEYSPOT...at ako yung spot...kasi hindi pa ako tuli. (short yun ng supot...spot! cool!)

·“Buddy by your side”, sure yun! Pero I have a tendency to run kapag may away na. Black belter ako ng “SAYNA-CHI” (Sa’yo Na Chinelas ko tatakbo na ko).

·Si Mr_D ang nag-introduce sa akin kay Patrice. Si Pat naman nabighani sa style ng writing ko kaya pinilit niya akong magsulat sa www.pinoyatbpa.com. First entry ko pa lang nag-shut down na yung site. True story ‘to, di ba Pat?

·Correction dun sa busilak na istilo ng pagsususat...mali ka dun. Ta-da!!! Mas berde pa ang utak ko kesa kay Robbie Tan ng Seiko Films. Hehehe! Pero thanks pa rin.

·Korek ka dun sinabi mong kulang ang knowledge ko sa technobubbles at ASS feet. Nagtitiis lang talaga ako sa template na binigay ng sponsor ko na www.blogger.com . Kung may tutulong lang sana sa akin tulad ni “Manilenya” para baguhin ang sore-eyes kong template ay gagawin ko.

Ibig sabihin ba nito friendship mo na ako Ellababe? If so padalhan mo ako ng bra na cupsize double D kasi tumataba ang puso ko sa entry mo. From now on ilalagay na kita dun sa listahan ko as my number 1 link. Ta-da! Matagal pa akong di makakauwi kaya ilista mo muna yung chocolates. Mukhang puno pa naman yung ref mo ng chocolates galing kay Azrael your lab.

Thanks!
Dennis, Lany & Diego
www.thehoneyspot.blogspot.com

Saturday, October 27, 2007

TO GLORIA, "EAT SHIT DUMBASS!"

PEOPLE POWER II

It was 6 years ago when I joined millions of Filipino’s in EDSA to bring down the Estrada regime. To me, Erap was not cut out to become President. Remember the numerous Eraption jokes that we send through text? The Estrada Presidency is one big bad joke that they played in the expense of the poor Filipino people. If it’s bad enough for the one’s that didn’t vote for him, I’m sure that its even worst for the ones that voted for him. After all, the masang Filipino was the one that suffered the most when they put their faith in him…the common tao just didn’t get the joke.

And now after 6 years trying to put Estrada in jail for “plunder”, Gloria Macapagal Arroyo gave him a presidential pardon. How stupid can the government be? Probably dumber than we thought!

We wanted to put Estrada in jail because he plundered the country. He tried to bring us down man! And we want him to pay the price for that. But instead, the government wasted 6 years of tax payer’s money just to pardon him in the end. I was one of those tax payers! Every month I have to struggle to budget my low income just to survive until the next pay day. I remember during tough times that Onat, Ellen, Jhen, Ruben and I would share 2 or 3 cans of sardines over dinner at the hospital. What a waste! No wonder everybody wants to leave the country and escape the poverty.

“The government has put the Filipino down, like a junkie in the gutter.” Pinoy, it’s time to take some action.

Thursday, October 25, 2007

UPDATE

Kaya pala dumarami ang mga stuffed toys sa Bahrain Greetings kasi pinaparami talaga nila. (see the animals on the top shelf.)
I've seen 7 Lamborghini's in the past month. 2 orange, 2 greens, 1 black, 1 silver and one yellow. Sa pinas di mo to makikita kahit sa gilid ng kalsada. Pinagtatawanan nga ako ng mayari nung kinuhanan ko 'to ng picture.

I've been to Dubai before my birthday...ibig sabihin tao na ako. Napansin ko lang nung papunta na ako sa hotel ko na may center pala ang mga bading na taga-middle east. "FAG MIDDLE EAST" Their making their presence known. So be afraid...be very afraid!


Tuesday, October 23, 2007

PARASITOLOGY 101


Noong third year Medical Technology student ako may napaka-interesanteng subject kami na para sa akin ay napaka-exciting. Kasi kapag pumasok ka sa subject na ‘to para ka na ring pumasok sa isang section ng ”Ripley’s Belive it or Not Museum”. Marami kasing specimen na makikita sa garapon (usually mga ibat-ibang klaseng bulate na parasite) na may kasamang story kung papaano nakuha ito.

Naalala ko tuloy yung second day namin. Ang assignment namin ay magdala ng tae, preferably yung galing sa amin mismo. So the next day parepareho kaming may dalang tae. Binigyan kmi ng instructions na lagyan ng number ang bawat garapon na dala namin pagkatapos ay ilalagay sa pila ang mga tae at oobserbahan namin isa isa ang itsura nya based on amount, color, consistency, taste...yuck! pwe! Hahahaha! Joke lang.

Hiyang-hiya yung mga dalaga sa group 1 kasi halata na sa kanila yung mga jebs, ang gaganda pa naman nila tapos malambot ang jebs nila. Mahilig kasi sila kumain ng mani, pampatalino daw. Yung isa mayron pang-mais! Dyahe! Yung tae ng bading sa kabilang group pinagtatawanan namin kasi parang may sipon. Aminin!!! ; ) Hindi yata matatapos ang tawanan kasi magaling magpatawa si prof...puede mo syang i-line up sa judges ng American Idol at siguradong pati si Simon Cowell ay lalaitin nya.

Pagdating ng prof sa table namin kinabahan ako kasi ang jebs ko ay may kakaibang hugis , kulay at texture. Pagkakita pa lang ng prof ko sa jebs ko sinabi agad nyang “Wow! Parang sunog na fishball!” And for 10 seconds para akong nilamon ng lupa. Bubuksan ko sana ang garapon at ihahagis ko sa mukha ng mga tumatawa at sisigaw ng “SHIT-FIGHT”!!! (parang food-fight). Kaya lang may class pa ako ng third period. Sayang!

Pero hindi doon matatapos at saya. Kinuha namin ang sari-sarili naming jebak at sabay-sabay naming itong binuksan parang Christmas gifts, sabay sigaw ng prof namin na “Inhale! Exhale!” Ito daw ang training namin para masanay sa amoy ng tae. Thats why up to now tumagal ako sa middle east kasi kaya kong tiisin ang amoy tae kong co-workers.

Mortal lesson: "Walang taeng mabango, regardless kung gaano ka kaganda. Hindi totoong pare-pareho lang ang amoy ng tae. At kung uulitin naming muli ang experience na ito for sure wala ng kakain ng mais, kang-kong or mani or makikipag-sex the day before the exercise."

Have a nice meal!

Sunday, October 21, 2007

SURVIVAL OF THE FITNESS


TV has a huge influence in me. Halos ata lahat ng palabas na pinapanood ko ay nagging inspirasyon ko sa sa pangaraw-araw na buhay. Kagabi ay napanood ko ang lumang season ng “So You Think You Can Dance” at nakita ko dun ang magagandang katawan ng mga contestants...maliban lang dun sa mataba. At sabi ko sa sarili ko, “Pakingsyet! They look great.” Wansapanatyms, I can still remember maganda rin ang katawan ko. Hindi tulad ng na sa TV pero I was buff back then because of my healthy lifestyle...”sports minded by day, alcoholic by night.”

Si Lany naman reminiscing sa figure nya nung dalaga pa sya. Binuklat nya ang lumang photo album namin while she admired her god-like-physique. Feeling ko tumanda kami agad ng mabilis sa mga nakaraang taon. Kung puede lang i-cash ang stress at pagod siguro millionaryo na kami. We’ve been wanting to get fit pero Ramadan season at lagi akong pang-gabi sa trabaho (may sideline akong macho dancer sa gabi).
Ngayon I will make sure to bring back those lost years by dieting and exercise. Susubukan kong i-document ang mga pangyayaring ito mala-reality tv style. Kayanin kaya ng powers namin ito? Actually, inumpisahan na namin kanina ang diet kasi dumaan kami ng Al Jazeera Bakery para kumain ng Chicken Puff at hotdog Puff...and we feel puffy like the marshmallow man. (Ang tawag dito ay Carbo-loading. Preparation sa mahabang diet.)

Thursday, October 18, 2007

MEDICAL REPRESENTATIVE


I was asked by a friend, bakit daw hindi sya pumasok sa medical field. To answer that question gusto ko lang sabihin na hindi naman ganun ka glamorous ang mabilang sa isang trabaho na exposed sa peligro ang health mo. Nandiyan ang AIDS, Hepatitis, mga airborne diseases at marami pang sakit na ayaw mong makuha. Hindi lang ito hazardous, sobra din ang pressure at maliit ang income na kelangan mo pang umalis ng sarili mong bansa para lang kumita ng maayos. Ilang taon din akong sumusueldo ng pera na parang crew ng turo-turo restaurant. Kulang na lang ipagamit ko ang katawan ko sa mga nalolongkot na bading at matron sa Quezon Circle.
But looking on the brighter side, talagang in demand kami. Kasi kami lang ang willing na maghugas ng pwet ng ibang tao. Kami lang ang matapang maglinis at tumingin sa nakakadiring sugat ng mga tao. Kami lang ang matibay ang sikmura na mag-examine ng dumi ng ibang tao, at marami pang ibang bagay na nakakadiri. Dati hindi lang mga jebs ang tinitignan ko, nagprocess din ako ng mga nakakapangilabot na mga specimen tulad ng amputated diebatic foot (promise para syang kinain ng aso), amputated hand, amputated dick at testicles, breast, uterus, ovaries, appendix at marami pang nakakahawang body fluids na napaka-colorful. Minsan nga naiisip ko kaya ko sigurong sumali sa “fear factor”.
On the brightest side, may kasamang respeto ang pagiging medical professional dahil kami lang bukod sa albularyo ang makakatuklas sa sakit ng isang tao. Magsuot pa lang kami ng uniporme na puti talaga naman mapapalingon ka at mararamdaman mo ang kakaibang dating namin. Correction, di pa ako nakakakita ng albularyo na naka-puti. Maski si Mang Keps...oopss! (Kumpletuhin na natin ang pangalan para di bastos.) Mang Kepweng pala!
On the super brightest side, talagang nakakasilaw ang sueldo ng iba sa amin pagdating sa ibang bansa kasi mga puti na ang mga puwet na hinuhugasan nila. “The whiter the ass, the higher the salary.” So let’s shake hands and congratulate the medical professionals! Mabuhay!

Saturday, October 13, 2007

EID MUBARAK


Kahapon nangyari nanaman yung nangyayari sa akin every year pagkatapos ng "Ramadan." Ang Ramadan sa kulturang muslim ay yung isang buwan na di sila kumakain simula pagsikat ng umaga hanggang paglubog ng araw. Yun lang ang alam ko at di ko kayang ipaliwanag pero parang mahal na araw sya kung sa Pinas. Ang katapusan ng holy month ay ang tinatawag na "Eid." Ito parang katumbas ng pasko sa kanila. At kapag may pasko may nanghihingi ng aguinaldo.


Lets review the history, simula ng umalis ako sa Pinas 6 years ago ay tinalikuran ko na ang pamimigay ng aguinaldo. Napalitan na rin ang tawag sa akin ng mga inaanak ko na "Ninong Belekoy" ng "OFW". Di ba masaya? Napagtaguan ko na sila sa pagalis ko tapos tinawag pa akong bayani.


Habang papaalis kami ng anak ko papuntang grocery inabangan kami ng mga bata sa traffic light para mamasko. Pero parang hindi sila namamasko kasi sinabi agad nila ang presyo. Feeling ko may gagawin silang kalokohan sa kotse ko kung di ako magbibigay (parang sa Maynila kapag may rugby boys na tumabi sa kotse mo). Binati ko sila ng "Eid Mubarak" sabay sabi na eksakto lang ang pera ko pangbili ng grocery sabay harurot. It felt good. Naramdaman ko ang Christmas Spirit sa puso ko. huhuhuhu...


Pero hindi lang pala ako ang nababadtrip sa mga ganito. Pati pala ang idol ko na si Les Horton ng Gulf Daily News ay naranasan ito. Please read his commentary. Promise maganda to.


Thursday, October 11, 2007

THE GRASS IS GREENER ON THE OTHER SIDE

I got a weird dream this afternoon. All my ex-friends who left Bahrain were in our apartment looking for peace and reconciliation with us. I had no doubt that it was a dream, but the thing is that no matter how angry I am with them I felt like we’ve been left in a dumpster. It’s not that I don’t like this place, I just want to get out of here and live a new life somewhere in greener pastures.
The best place that I could think of if ever we leave this place is the “O.C.” My friend CJ lives near the OC after she left Chicago. She showed me pictures after pictures of the beach. It was breath taking. Imagine having that view in front of your doorstep? Wow! It’s like front row seats to God’s gallery.
Now you may be wondering what a million dollar job I have? There is no way in God’s grace will I be able to afford that lifestyle, but I’m still dreaming of it for Lany and Diego. I could only wish for a superb place under the sun for them.
As for my evil ex-friends, I will never forget the kindness and hospitality that you showed me when I was new here. It’s a shame why we couldn’t get along with each other. If only fate hadn’t screwed us up we would still be good friends. Thank you for the good times.

Thursday, October 04, 2007

www.pinoyatbpa.com

Kung wala kang magawa sa buhay tulad ko magbasa ka na lang ng post ko sa www.pinoyatbpa.com ang topic na sinulat ko ay "MADE IN HELL". At oo ako yung Derek. Yun kasi ang palayaw sa akin dun sa pinagtrabahuan ko sa Pinas. Kung hihintayin nyo kasi na magpost ako dito ay medyo matatagalan dahil antok pa ako sa duty ko na puro 7pm to 1am. Ramadan time kasi. Sa Eid na lang siguro ako babawi.

Salam!