Monday, May 08, 2006

RELIGIOUS

Sabi ng nanay ko na kapag daw ikaw ay naaapi kailangan daw daanin sa dasal. Minsan ginawa ko na ito pero di ko pa nakikita ang effect...Pero isang araw ng nag-announce na ang mga bago kong amo ng kanilang titolo bilang diyos para akong binuhusan ng malamig na asido at nagkaroon ng isang religious encounter... Para silang Holy Trinity! Whoa!

Si Father - Para nga siyang tatay. Kasi utos sya ng utos, reklamo ng reklamo pero di marunong makinig.

Son - Oo, kalahati lang sya ng laki ni Father at para silang mag-ama kapag magkasama. (lalo siguro kung kakandong sya.)

At si Holy Ghost - Hindi dahil divine sya, pero dahil madalas di mo sya makita dahil late sya laging pumasok. Pero kapag naramdaman mo na sya at the end of the day daig pa ang habagat. Kaya naman nagiging exorcist ako everytime na magkikita kami. Hayyy...I'm so lucky.

Amen,

SINNED

No comments: