Saturday, May 03, 2008
Saturday, April 12, 2008
MADE IN HELL
(I wrote this for www.pinoyatbpa.com . Now it doesn't exist anymore! huhuhu! I just want to share this with you.)
Alam kong maraming kalalakihan ang madidisappoint sa announcement ko na hindi ko isusulat ang karanasan ko sa “Vaginismus”. Pero wala akong magagawa dahil sisipain daw ako ni Patrice sa gilagid kapag nabasa nyang bastos ang entry ko. Kaya naman naisip kong ibahin na lang ang topic. “MADE IN HELL”, ito na siguro ang expertise naming magasawa…hindi dahil magulo ang married life namin pero dahil mahilig kaming bumili ng electronics.
In the past 10 years dumadami ang mga kilalang producto tulad ng Sony, Philips, HP, etc. ang ngayon ay may mga factory na sa ibang bansa. Kaya huwag kang magugulat kung pagbaligtad mo sa DVD player mo ay makikita mong ito ay gawa sa China or Malaysia or India or even Philippines. What the hell??? OO, ang binili mong Sony na originally made in Japan ay ginagawa na rin sa Malaysia. Maging ang HP na dati ay galing ng USA ay gawa or assembled na rin sa China. Ang tawag dito ay “outsourcing”. Ibig sabihin ang mga malalaking company na based sa US, Japan at Europe ay gumagawa ng factory sa mga third world countries para dun ipagawa ang kanilang mga product dahil mataas ang tax nila sa sarili nilang bansa. Sa pamamagitan ng outsourcing bumababa ang production cost tulad ng manpower, tax at ng iba pang patong nila sa mga goods nila. But does it mean na bumaba ang presyo ng goods nila? Feel ko hindi. So this is bads if the goods are high not low. Dahil mataas pa rin ng presyo nila sa market.
E ano nga ba ang pinagiba ng mga product na ito kung gawa sila sa third world country? Personally hindi ko talaga alam. Ang kaya ko lang bigyan ng comment ay yung mga product na nabili ko. Here are some of my tips kung bibili ka ng mga producto nabili ko na:
Kung bibili ka ng Whirlpool automatic washing machine be sure na gawa ito sa US at hindi sa India. Yung nabili namin isang araw pa lang pinalitan na yung board nya (motherboard ba tawag dun?) dahil nag-error na agad. Tapos habang naglalaba sya may mga nalalaglag ng screw, akala ko tuloy sa ulo ko galing yung mga screw. Sabi kasi ng nanay ko maluwag daw ang turnilyo ko sa ulo. I don’t know kung aling ulo ang titutukoy nya, but it scared the hell out of me…
Kung bibili ka ng digital camera na gawa ng Sony or Canon piliin mo yung made in Japan. Di ko alam ang difference ng made in third world pero para di ka magsisisi pumili ng made in Japan dahil for sure heavy duty ang mga ito. Yung anak ng kapitbahay namin na Japayuki ay made in Japan. Yung relasyon nila ng hapon ay nasira agad or short lived…pero nainisip ko baby naman ang ginawa nila at hindi digital camera. Kung iniisip mo na itutuloy ko pa ng kwento ko sa kapitbahay ko nagkakamali ka dahil hindi ako chismoso. Che!
Kung bibili ka ng HP printer humanda ka kapag nasira ito dahil hindi ka bibigyan ng Hewlett Paksyet ng bagong printer. Instead bibigyan ka nila ng refurbished na bagong ballot ng plastic. Masama pa rin ang loob ko sa kanila dahil 1 month ko pa lang nagamit ang 5 in 1 printer na may 3×3 inch LCD ay nasira na agad yung LCD, tapos pinalitan nila ng lumang printer…take note, printer ang pinalitan at hindi LCD. After nito sinunog ko lahat ng pictures at CD ko ni Jennifer Love Hewlett. After browsing the internet nagsisi ako dahil “Hewitt” pala ang tunay nyang apelyido.
Laptop. Dito ko napraning! Lahat ng features na gusto ko ay na sa HP. May remote, light scribe, quick play, 5 in 1 card reader, duo core 2.2Ghz, 2000 plus ram, 200GB memory, true bright 15.1 LCD, scratch proof finish pa! Talagang malufet! May Dell kaming nakita pero nagtataka kami kung bakit bigla syang nagmura. Yun ang type ng wife kasi daw made in Ireland. Ang sa akin naman kasi nabasa ko sa diaryo na naglabas sila dati ng defective na battery na bigla na lang nagliliyab. E papano kung bigla na lang magliyab sa kandungan ko ang laptop habang nagsusurf ako ng internet habang nagpapagasolina? O-M-G! Hindi na masusundan ang anak ko! Thats why I settled for an HP na assembled in China. Mas importante sa akin yung features, specs and my balls.
Ang balita ko sa mga fellow OFW ko ay basta maging maingat sa pagbili at pagpili ng gamit. It doesn’t matter kung saan gawa basta matindi ang quality control nila. Maiging magbasa ng mga product review sa internet at magbrowse ng mga products na may consumer report sa internet. Ang alam ko may website sila, para naman hindi masayang ang hard earned cash mo. Ikaw ano ang pipiliin mo?
Tuesday, April 08, 2008
EXTREME DREAMS
I couldn't seem to pay attention to the Extreme Stunts at the Toyota F1 Extreme Stunts show near the Diplomat Hotel. It is so typical...just like watching TV.
While taking a few snap shots of the jetskiers, I saw this Arab man watching from where I was standing. I immediately positioned myself so that he won't notice me. Click!
SHARING THE SUNSET
WORLD TRADE CENTER
Wednesday, April 02, 2008
Wednesday, March 19, 2008
PAROKYA NI EDGAR
Sunday, February 24, 2008
Sometimes you forget a lot of things especially when you’re busy. Ako pa naman parang may early Alzheimer’s kaya maraming nakakalimutan. Most of the time pabalik-balik ako sa bahay dahil lagi akong may nakakalimutan. But you can test my memory on names and face’s ayun medyo malakas ako dun. I just associate them with an event and the memory just pop’s up in my mind. Usually alam ko pa yung first and last name.
When I came here to Bahrain I left all my worries in Pinas. I was liberated from the day to day urban chaos and the never ending problems at home. My family life is far from perfect. Here, I run everything the way I want it to be run. I have full control (almost) of my destiny. And then I got married...married life turned my life around. I wouldn’t say that its bad, there are a lot of good things that happened and one of them is having a family. The bad thing about it is that I have an enormous responsibility that came with it. No problem naman because I share it with my wifey.
Simple lang ang principle ng pag-tackle ng mga problema. I got a two step plan for this. First, you deal with the problem and never run away from them. Second, kahit mas malaki pa sa iyo ang problema you don’t lose hope and get intimidated by it. You have to do what you got to do! Laban kahit hindi mo kaya.
But what if the problems keep coming at you from every angle like villains in a Jet Li movie? Does the two step approach apply to it? Puede rin! Minsan nagiging “drunken master” pa nga ako but it doesn’t mean I give up. Technique lang yun!
Right now I got a problem and there is no easy solution to it. It keeps coming like ninja’s on steroids. This time I might need to come up with a third step.
Tuesday, February 05, 2008
UPDATE
To Ed and Janers, congratulations! Nadale mo rin pare. Sa wakas natuklasan mo rin kung saan talaga ipapasok. Hehehe! Joke! Pero mga repapips to tell you the truth wala naman yata talagang handa sa pagbubuntis...ewan ko lang ha. Pero nangyayari talaga yan. Masarap magkaron ng anak pare pramis! Kaso pagdating ng 2 years old sa sobrang inis mo mauunat ang kulot mong buhok, at ang mga kulot mauunat, hehehe! Good luck Mama J! Email mo lang kami kapag tinotopak ka na sa pagbubuntis.
Congratulations to the newly elected officers of GPN! Sir Ogie, you deserve it. Masama ka kasing tao kaya nakakarma ka...ayan tuloy cargo mo ang pagdadala ng mga makukulit mong members. Hehehe! Joke! We know that you are the best guy for the position. Kita mo naman landslide vote ka sa amin kasi labs na namin. Gwark! Hehehe! Joke uli! Kay Gienel and Bambz, you guys deserve it. Respetado naman kayo ng tropa kaya full support kami sa mga projects nyo. Pero sana this year kumikita na tayo ng salapi! Hehehe! (No joke.)
Napapaghalata na ako ng groupo na hindi ako maka-layas ng gabi...”Pajama Boy” na nga ang tawag sa akin e. What to do yani? E sex slave nga ako sa gabi! Kayo na lang ang bahalang umintindi sa akin mga repapips, kung kaya naman maka-gimik e sasama ako. Masarap ata kayong kasama lalo si Sir Allan “Ethics Boy” kasi maraming baon yun.
With regards to work, natabunan ako ng patients two weeks ago. Grabe na ‘to men! As in nung time na yung pila sila halos 3-4 patients per day maliban pa yung mga minor cases. Kaya naman pati weekends kayod pa rin ako.
What else? Wala yun lang ang update. After February 15 bagong pakikipagsapalaran na naman dahil wala ang mommy ko dito. Gusto ko na gilitan ng leeg yung naglalakad ng papeles dahil napaka-kupad! Sana sa langit ma-red tape ka rin kups!
Ahh...meron pa pala. May magiging kahati na ako sa cam ko. My wife seems to develop a liking to my Nikon. Hmmm. Parang madadagdagan ang lens ko! Bwahahaha!
Update you guys soon!
Dennis
Tuesday, January 15, 2008
YOU LIGHT UP MY LIFE
THE END.
3 YEARS IS NOT A LONG TIME
January 10, 2008 - This was our third year anniversary. We spent the night with a quite dinner at Bambu...if you call it quiet. Marami kasing lasing dahil eat and drink all you can pala yun. All I can say is...ang sarap! May babsie sila sa menu.
Friday, January 04, 2008
IMAGE MAKER
A few nights ago I attended a meeting with my group of photographers. Come to think of it kakatapos lang ng exhibit and parang kakakita lang naming sa bahay for drinks to celebrate the new year. Di pa ba sila nagsasawa sa mukha ng isa’t-isa? Or nangangati lang and everybody just wants some action. Afterall, nandun pa yung energy from the exhibit kaya siguro may hang-over pa. By the way, nice work guys. Congratulations to our group “Gulf Photographers Network”! Sikat na tayo. Hehehe!
Yun lang after the meeting medyo distressed ako about my camera. Bambi bought a new camera... Nikon D40x! Whoa! This just hit the market during the first quarter of 2007, intended to piss the Canon EOS 400D. They almost have the same features but better. Dapat lang kasi predecessor yun ng 400D e. Matatawa lang ako kung paurong yung technology nila. Congratulations Bambi! May baby ka na...alam na ba ng nanay mo yan? Hehehe! Joke lang. Shhhh. Tahimik lang ako.
Anyway, with matching asaran galing sa mga Nikon users umuwi akong asar talo. After shower bukas agad ng laptop before we sleep. Nagagalit na si Commander Lany dahil alam nya gastos nanaman ang sine-surf ko. Pero supportive naman sa aking hobby dahil may maganda naman syang future. I’m still thinking of selling my Canon for that Nikon maganda rin kasi yung review. I tried it maganda ang kuha, crisp and clear. But it has its flaws and disadvantages. Namimili sya ng lens na ikakabit mo dun. Kulang ang buttons to navigate and set the cam. Papano kung concert scene? Doon kailangan mabilisan para ma-capture mo yung pawis na tutulo sa **** ng singer (hahaha! Kilala ko yun.)
The bottom line is, I won’t change my camera for a Nikon D40x kung yun lang.There are better models than that. May Canon 40D naman. I’m not ready to sell out yet. Kailangan ko lang ng mabangis na lens...maybe a battery grip...and a flash. (uy! Nagpapadining!) Samahan na rin natin ng bagong bag and for sure makakakuha na ko ng magandang shots tulad ng mga chartered members ng GPN.
Tuesday, January 01, 2008
AWARD
sorry ella. pero pagkatapos namin uminom ng 5 boteng gin at kalahating case ng red horse parang hawig na kayo.
hahahaha!