(I wrote this for www.pinoyatbpa.com . Now it doesn't exist anymore! huhuhu! I just want to share this with you.)
Alam kong maraming kalalakihan ang madidisappoint sa announcement ko na hindi ko isusulat ang karanasan ko sa “Vaginismus”. Pero wala akong magagawa dahil sisipain daw ako ni Patrice sa gilagid kapag nabasa nyang bastos ang entry ko. Kaya naman naisip kong ibahin na lang ang topic. “MADE IN HELL”, ito na siguro ang expertise naming magasawa…hindi dahil magulo ang married life namin pero dahil mahilig kaming bumili ng electronics.
In the past 10 years dumadami ang mga kilalang producto tulad ng Sony, Philips, HP, etc. ang ngayon ay may mga factory na sa ibang bansa. Kaya huwag kang magugulat kung pagbaligtad mo sa DVD player mo ay makikita mong ito ay gawa sa China or Malaysia or India or even Philippines. What the hell??? OO, ang binili mong Sony na originally made in Japan ay ginagawa na rin sa Malaysia. Maging ang HP na dati ay galing ng USA ay gawa or assembled na rin sa China. Ang tawag dito ay “outsourcing”. Ibig sabihin ang mga malalaking company na based sa US, Japan at Europe ay gumagawa ng factory sa mga third world countries para dun ipagawa ang kanilang mga product dahil mataas ang tax nila sa sarili nilang bansa. Sa pamamagitan ng outsourcing bumababa ang production cost tulad ng manpower, tax at ng iba pang patong nila sa mga goods nila. But does it mean na bumaba ang presyo ng goods nila? Feel ko hindi. So this is bads if the goods are high not low. Dahil mataas pa rin ng presyo nila sa market.
E ano nga ba ang pinagiba ng mga product na ito kung gawa sila sa third world country? Personally hindi ko talaga alam. Ang kaya ko lang bigyan ng comment ay yung mga product na nabili ko. Here are some of my tips kung bibili ka ng mga producto nabili ko na:
Kung bibili ka ng Whirlpool automatic washing machine be sure na gawa ito sa US at hindi sa India. Yung nabili namin isang araw pa lang pinalitan na yung board nya (motherboard ba tawag dun?) dahil nag-error na agad. Tapos habang naglalaba sya may mga nalalaglag ng screw, akala ko tuloy sa ulo ko galing yung mga screw. Sabi kasi ng nanay ko maluwag daw ang turnilyo ko sa ulo. I don’t know kung aling ulo ang titutukoy nya, but it scared the hell out of me…
Kung bibili ka ng digital camera na gawa ng Sony or Canon piliin mo yung made in Japan. Di ko alam ang difference ng made in third world pero para di ka magsisisi pumili ng made in Japan dahil for sure heavy duty ang mga ito. Yung anak ng kapitbahay namin na Japayuki ay made in Japan. Yung relasyon nila ng hapon ay nasira agad or short lived…pero nainisip ko baby naman ang ginawa nila at hindi digital camera. Kung iniisip mo na itutuloy ko pa ng kwento ko sa kapitbahay ko nagkakamali ka dahil hindi ako chismoso. Che!
Kung bibili ka ng HP printer humanda ka kapag nasira ito dahil hindi ka bibigyan ng Hewlett Paksyet ng bagong printer. Instead bibigyan ka nila ng refurbished na bagong ballot ng plastic. Masama pa rin ang loob ko sa kanila dahil 1 month ko pa lang nagamit ang 5 in 1 printer na may 3×3 inch LCD ay nasira na agad yung LCD, tapos pinalitan nila ng lumang printer…take note, printer ang pinalitan at hindi LCD. After nito sinunog ko lahat ng pictures at CD ko ni Jennifer Love Hewlett. After browsing the internet nagsisi ako dahil “Hewitt” pala ang tunay nyang apelyido.
Laptop. Dito ko napraning! Lahat ng features na gusto ko ay na sa HP. May remote, light scribe, quick play, 5 in 1 card reader, duo core 2.2Ghz, 2000 plus ram, 200GB memory, true bright 15.1 LCD, scratch proof finish pa! Talagang malufet! May Dell kaming nakita pero nagtataka kami kung bakit bigla syang nagmura. Yun ang type ng wife kasi daw made in Ireland. Ang sa akin naman kasi nabasa ko sa diaryo na naglabas sila dati ng defective na battery na bigla na lang nagliliyab. E papano kung bigla na lang magliyab sa kandungan ko ang laptop habang nagsusurf ako ng internet habang nagpapagasolina? O-M-G! Hindi na masusundan ang anak ko! Thats why I settled for an HP na assembled in China. Mas importante sa akin yung features, specs and my balls.
Ang balita ko sa mga fellow OFW ko ay basta maging maingat sa pagbili at pagpili ng gamit. It doesn’t matter kung saan gawa basta matindi ang quality control nila. Maiging magbasa ng mga product review sa internet at magbrowse ng mga products na may consumer report sa internet. Ang alam ko may website sila, para naman hindi masayang ang hard earned cash mo. Ikaw ano ang pipiliin mo?
1 comment:
Dennis, may alok akong bagong raket sa 'yo harhar. Are you interested in writing for a dyaryo dito? Pinapahanap kasi ako ng mga bloggers na magaling "daw" magsulat nyahahaha! Hindi ko nga alam kung bakit naisip kita eh LOLS.
May page kasi sila na dedicated sa mga bloggers.
Email mo ako agad if you're interested. October ang launch nila eh.
Post a Comment