Monday, November 12, 2007

TURKISH CANAL

May sa isda yata ako. Kapag nakakakita ako ng swimming pool parang nalalaglag ang suot kong damit at para akong hinihila ng tubig. Kakauwi ko lang galing sa Antalya, Turkey para dumalo sa isang conference. Pagdating sa hotel room nakita ko agad ang maganda nilang estero na nakapaligid sa mga guest rooms, malinis at wala akong basura na nakitang lumulutang. Jackpot! Kaya naman kahit malamig na sa Central Asia sa harap ng Mediterranean sea lumusong ako sa tubig kinagabihan sa estero. Tama ang hinala ko na malamig nga ang tubig kasi malamig ang hangin. That was the coldest 3 minutes of my life!

The next day nilalagnat na ako. So much for being a fish. In the middle of the day bumalik ako sa kwarto para may kuhanin akong gamit. Nagulat ako ng nakita ko ang wooden flooring sa poolsiede ng mga cleaners using the same water from the pool, tapos binabalik lang nila. No wonder walang lumalangoy dun.

No comments: